Isinusulong ni Muntinlupa City Representative Ruffy Biazon sa Kamara na mabigyan ng Recognition o pagkilala si Dating Pangulong Noynoy Aquino at ilang opisyal ng Philippine Government.
Ito’y matapos manalo ang kaso ng Pilipinas laban sa China sa International Arbitral Tribunal sa usapin ng West Philippine Sea.
Sa Dalawang pahinang resolusyon na inihain ni Biazon, iginiit nito na karapat-dapat lamang na kilalanin ang leadership ni Aquino lalo’t idinaan nito sa mapayapang paraan ang pagdepensa sa West Philippine Sea, alinsunod na rin sa International Law.
Bukod kay Aquino, sinabi ni Biazon na marapat din na bigyang pagkilala ang ilang opisyal mula sa Department of Foreign Affairs, Department of Justice at Office of the Solicitor General dahil sa ipinakitang dedikasyon, expertise at professionalism na nagresulta sa paborableng desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa the Hague, Netherlands.
By: Meann Tanbio