Isinusulong ni Senadora Leila De Lima sa liderato ng senado na bigyan ng pagkilala ang mga nasawing tropa ng pamahalaan sa bakbakan sa Marawi City.
Batay sa inihaing senate resolution ni De Lima, nais nitong bigyan ng karangalan ang katapangan at kabayanihan ng mga nasiwing miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pakikipaglaban sa Maute terrorist group.
Sinabi ng senadora na saludo ang senado sa ipinamalas na kagitingan ng mga tropa ng pamahalaan na ibinuwis ang kanilang buhay para ipagtanggol ang bansa laban sa terorismo.
Matatandaang nasa limamput walong (58) sundalo at pulis ang nasawi sa bakbakan sa Marawi na nabigyan ng gun salute noong Araw ng Kalayaan.
By Ralph Obina