Isinabay ng ilang mga katoliko sa Naga City sa Camarines Sur ang kanilang silent protest ngayong Ash Wednesday para kundenahin at tutulan ang pagpasa sa death penalty bill.
Agaw pansin sa isinagawang misa sa naga Metropolitan Cathedral ang mga nakasuot ng kulay itim na t-shirt at may mga nakasulat na katagang “EJK, Not Ok” at “No to Death Penalty”
Ayon kay Father Wilmer Tria, Chairman ng Promotion and Social Teachings ng Ateneo de Naga University, kailangang tumayo ng simbahan upang kontrahin ang alinmang batas na sisira sa moralidad ng isang tao.
Gayunman, sinabi ni Father Tria na sa halip iparaan nila sa kalsada ang paghahayag ng kanilang saloobin, makabubuting ganito na lamang ang kanilang maging hakbang at sasamahan pa nila ito ng taimtim na panalangin.
By Jaymark Dagala