Pinatitiyak ng Department of Health (DOH) sa Bicol Medical Center (BMC) na kumikilos na ang pamunuan ng ospital para maiwasang kumalat ang sakit na meningococcemia.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na meningococcemia ang ikinamatay ng isang tatlong taong gulang na batang lalaki sa BMC noong September 28.
Ayon kay Dr. Dana Marie De Asis, pediatrician ng BMC na tumingin sa nasawing bata, nakitaan ng mga violet na rashes ang biktima bago nasawi sa loob lamang ng isang araw sa ospital.
Samantala, isa pang 12-buwang gulang na bata ang patuloy ding nilang inoobserbahan matapos rin itong magkombulsiyon.
Inooberbahan din aniya ang mga nakausap at nakalapit sa namatay na bata.