Mananatili pa rin ang mga pagkilos sa lansangan ng mga militanteng grupo gaya ng Kilusang Mayo Uno o KMU.
Ayon kay KMU Chairman Elmer Labog, hindi titigil ang kanilang mga pagkilos sa lansangan bilang bahagi ng pagpapahayag sa kanilang mga paninindigan sa iba’t ibang usapin sa bansa.
Nauunawaan naman aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gagawin nilang pagkilos dahil bahagi ito ng kanilang mga karapatan.
Kaugnay nito muling magsasagawa ng pagkilos ang KMU sa darating na State of the Nation Address sa July 25 subalit sa pagkakataong ito bilang pagpapakita ng suporta sa Pangulo.
Bahagi ng pahayag ni KMU Chairman Elmer Labog
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas