Nakiisa ang Philippine National Police (PNP) sa pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) na kumukondena sa paggamit ng landmine at pag-target sa mga sibilyan ng mga tauhan ng CPP-NPA NDF.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, wala nang ideolohiyang ipinaglalaban ang mga rebeldeng komunista sa ginagawa nitong iligal na aktibidad sa halip ang mga ito aniya’y kanila nang hakbang upang mabuhay.
Giit ng PNP Chief, walang accountability ang NPA sa mga gawain ng kanilang mga miyembro na isang malinaw na gawi ng terroristang grupo.
Partikular na kinondena ng CHR ang mga pag-atake ng NPA laban sa mga sundalo at sibilyan sa Jipapad, Eastern Samar noong nakalipas na linggo.
Sa naturang pag-atake, nasawi ang isang sundalo mula sa 52nd Infantry Battalion ng Philippine Army gayundin ay dalawang Citizen Active Auxiliary.