Kinontra ng Malaysia ang inilabas na pahayag ng Pilipinas bilang chairman ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nation.
Ito’y makaraang ihayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang pagkundena ng Pilipinas sa nararanasang humanitarian crisis sa Myanmar dahil sa ginagawang pagpatay umano sa mga Rohingya sa Myanmar.
Ayon kay Malaysian Foreign Minister Anifa Aman, dumidistansya ang Malaysia sa naging pahayag ng Pilipinas dahil sa misrepresentation aniya ito ng tunay na pangyayari hinggil sa mga Rohingya.
Hindi aniya binanggit ng Pilipinas bilang chairman ng ASEAN na minority Muslim ang mga Rohingya sa Myanmar kung saan, mga Buddhist ang dominante o malaking bilang populasyon nito.
Kasalukuyang nasa New York City sa Amerika sina Cayetano at Aman para kumatawan sa Pilipinas at Malaysia sa ginagawang pagpupulong ng United Nations Security Council.
SMW: RPE