Winelcome ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagkondena ng Korte Suprema sa mga banta at pagpaslang sa mga abogado at hukom sa bansa.
Sinabi ng IBP na natutuwa sila dahil marami sa kanilang mga rekomendasyon ay kinilala ng high tribunal para na rin sa kaligtasan ng mga nasa hudikatura.
Binigyang diin ng IBP na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno at iba pang sektor gayundin sa lahat ng mga abogadong Pilipino para mapaigting ang seguridad ng mga nagtatanggol at nagsusulong ng rule of law.
Muling tiniyak ng IBP ang patuloy na proteksyon sa kanilang mga miyembro sa kabila nang pagkakapatay na halos 60 abogado, piskal at hukom at iba pang miyembro ng hudikatura simula pa noong ika-1 ng Hulyo, 2016.