Nanindigan si Senator Alan Peter Cayetano, na hindi magbabago ang kanyang paninindigan kontra sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sinabi ito ni Cayetano, matapos sabihin ng ilan, na maaring makaapekto sa kanyang tiyansa sa 2016 Presidential elections, ang kanyang pagkontra sa BBL.
Binigyang diin ni Cayetano na sa ngayon ay nais muna niyang tutukan ang mga gawain sa senado, at pagkatapos nito ay saka nalang niya iisipin ang magiging plano para sa susunod na eleksyon.
Una nang binawi ni Cayetano ang kanyang pagiging co-author sa BBL, matapos mangyari ang Mamasapano massacre, kung saan nasawi ang SAF 44.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)