Naninindigan ang Malakaniyang sa pagkontra sa batikos na mabagal na pagpapatupad ng recovery plan sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Nakatakdang gunitain bukas ang ikalawang anibersaryo ng kalamidad kung saan dumadagsa pa rin ang mga reklamo ng mga biktima partikular sa pangakong permanent housing and relocation.
Lumalabas sa report ng Commission on Audit na ilan daang milyong pisong donasyon at pondo para sa mga Yolanda victim ang nananatili pa rin sa isang bangko at pinuna ang Office of Civil Defense sa mabagal na pagkilos.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, pagkuha ng land title at paghahanap ng relocation sites ang ilan sa mga balakid sa isinusulong nilang mabilis na pagpapatayo ng mga bahay at iba pang istruktura sa mga sinira ng kalamidad.
Binigyang diin pa ni Valte na may proseso rin ang pagkilala sa mga totoong naulila sa bagyo habang idinadaan din sa dna testing ang pagkilala sa mga labi.
Muling tiniyak ng Malakaniyang ang pagkilos para mapabilis ang proseso at makumpleto ang recovery plan ng gobyerno.
By Judith Larino