Hindi pa kailangang kontrolin ng pamahalaan ang bilang ng anak ng bawat Pamilyang Pilipino.
Ito ang sinabi ni Juan Antonio Perez III, Executive Director ng Commission on Population and Development (POPCOM) sa kabila ng nakitang bahagyang paglobo ng populasyon.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Perez na hindi totoo ang ulat na tumaas ang bilang ng mga nanganganak sa gitna ng pandemya.
Batay aniya sa datos, maraming babae ang piniling hindi muna magsilang ng sanggol dahil sa hirap ngayong pandemya.
Hindi anya sapat para kay Perez ang P12-K na minimum na sahod kada pamilya lalo na ang mga naninirahan sa labas ng Metro Manila.