Nananatili bilang urgent national concern ng mayorya o katumbas ng 56% ng mga Pilipino ang pagkontrol sa inflation o bilis ng pagtaas ng mga bilihin at serbisyo.
Batay ito sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research noong huling bahagi ng 2024, kung saan bumaba ito ng 10% mula sa 66% noong third quarter.
Nasa 44% din ng mga Pilipino ang nagsabing dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang access sa murang pagkain habang 36% ang nagsabi na dapat taasan ang suweldo ng mga manggagawa.
Naitala naman bilang most urgent personal concern ng mga pinoy ang mabuting kalusugan na nakakuha ng 70%.
Ginawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na may edad 18 pataas noong November 10 hanggang November 16.- Sa panulat ni Laica Cuevas