Pinag–aaralan ng DOH o Department of Health ang posibilidad na kontrolin na rin ang vaping o ang paggamit sa electronic cigarettes bilang pamalit sa regular na sigarilyo.
Sa gitna ito ng mga babala ng FDA o Food and Drug Administration, laban sa paggamit ng e-cigarettes.
Sinabi ni Health Sec. Paulyn Ubial, makikipag–usap sila sa FDA hinggil sa mga posibleng gawing hakbang hinggil dito.
Ang paggamit ng e-cigarettes ay hindi sakop ng nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte na nationwide smoking ban.
By Katrina Valle (With report from Aya Yupangco)
Pagkontrol sa vaping pinag-aaralan na ng DOH was last modified: May 23rd, 2017 by DWIZ 882