Bukas ang Department of Health sa desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na kumuha ng tatlo kataong panel ng Asian Health Experts para linawin ang magkakaibang findings hinggil sa Dengvaxia Controversy.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque the Third nirerespeto nila at susundin ang nasabing hakbangin ng pangulo.
Iimbitahan ang foreign pathologists para busisiin ang findings ng Philippine General Hospital at Public Attorney Office kaugnay sa Dengue Immunization Program.
Samantala ipinabatid ni Duque na hinihintay nila ang pagpasa ng Senate Bill 1769 at House Bill 7449 kung saan nakasaad ang mga hakbangin para ire allocate ang mahigit Isang Bilyong Pisong refund ng Sanofi Pasteur para sa pagbuo ng Dengvaxia Assistance Program.