Aprubado na ng Department Of Labor and Employment (DOLE) ang pagkuha ng Alien Employment Permit o AEP ng mga dayuhang nais manatili ng hanggang anim na buwan sa bansa para magtrabaho.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaaring mag-apply ng permit ang mga dayuhan partikular ang mga essential worker sa pamamagitan ng kanilang Philippine-based employers.
Una nang naglabas si Bello ng labor advisory 16 o ang pag-isyu ng AEP at certificate of exemption para sa mga foreign national na naglalayong pumunta sa pilipinas para sa pangmatagalang trabaho.
Sa ilalim ng bagong guidelines, ang issuance ng work visa ay maaaring isagawa sa Philippine Consulate General sa bansang pagmumulan ng dayuhan at hindi kailangan ng entry stamp mula sa DFA.—sa panulat ni Drew Nacino