Inilunsad ni Food and Drug Administration (FDA) Director general Dr. Samuel Zacate ang isang taskforce na magbibigay-daan upang gawing komersyal ang mga bakuna kontra COVID-19.
Ang taskforce Edward na ipinangalan sa isang British physician na si Dr. Edward Jenner na kilala sa kaniyang kontribusyon sa immunization ay naglalayon na gawing mas madali sa mga pilipino na makuha ang ligtas at epektibong bakuna sa COVID-19.
Sa ilalim ng nasabing task force, ang mga bakunang maaaprubahan matapos ang evaluation ay bibigyan ng Certificate of Product Registration(CPR) at magiging available sa FDA-licensed drug establishments.
Nabatid na una nang naglabas ang gobyerno ng Emergency Use Authorizations o EUA sa mga bakuna at gamot sa COVID-19 na napapailalim sa ilang kondisyon.