Dapat na kaagad ikunsider ng gobyerno ang pagkuha ng dagdag na health workers sa gitna na rin nang patuloy na pag akyat ng kaso ng coronavirus (COVID-19).
Ayon ito kay Professor Ranjit Rye, miyembro ng UP OCTA ang pagpapalakas sa hospital capacity ay hindi lamang sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga kama at ventilators kundi kailangan din ang marami pang duktor, nurses at health workers dahil sa pagtaas ng kaso lalo na sa Metro Manila.
Dapat din aniyang matiyak ng gobyerno na hindi naman magsisiksikan sa labas ng mga ospital ang mga non-covid patients.