Hindi maaaring gamitin sa ibang layunin ang datos na nakakalap sa QR code sa mga estabishment.
Sinabi ni National Privacy Commission Chair Ramon Liboro na malinaw ang guidelines ng IATF na ang mga datos na nakakalap sa QR code ay para lamang sa contact tracing.
Kailangan din aniyang nakasaad ito sa terms and conditions ng mga establishment at mababasa dapat ng publiko.
Ayon pa kay Liboro ang datos na nakukulekta sa QR ode ay hindi pwedeng ire-purpose o itago for future use.