Nais pahihigpitan ni Pangulong Duterte ang proseso ng pagkuha ng driver’s license, lalo na sa mga magmamaneho ng mga pampublikong sasakyan.
Pinulong ng Pangulo ang mga opisyal ng sektor ng transportasyon para ibaba ang kaniyang derektiba.
Iniutos ng Pangulo na isama ang IQ test at kakayahang pang pinansyal ng aplikante sa proseso ng pagkuha ng lisensya.
Kailangan ding maibalik ang mandatory drug test at magkaroon ng minimum IQ level bago payagang makapagmaneho.
Samantala, maglalabas naman ng executive order and Department of Transportation (DOTr) kung saan nakalatag ang lahat ng derektiba ng Pangulo hinggil dito.