Binigyang diin ni COMELEC Commissioner George Garcia na hindi na dapat pahirapan pa sa pagkuha ng gun ban exemptions ang mga indibidwal na nakatatanggap ng banta, tulad ng government officials, miyembro ng hudikatura at iba pa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Garcia na masyadong matagal ang proseso sa pagkuha nito.
Una rito, sinabi ni Garcia na rerebisahin nila ang kasalukuyang polisiya sa gun ban exemption at security application guidelines upang mapadali ang proseso.