Dumipensa ang PNP o Philippine National Police mula sa mga batikos dahil sa pagkuha nila ng mga impormasyon mula sa social media.
Ito ay makaraang aminin ng Caloocan City police sa senate hearing kahapon na sa pamamagitan lamang ng social media nila nakuha ang impormasyong sangkot sa droga si Kian Loyd Delos Santos matapos na mapatay ito.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, kumukuha sila ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang sources kahit mga galing sa social networking site na Facebook.
Subalit depensa ni Carlos, kanila namang isinasalang ito sa beripikasyon hanggang may mabuo silang intel product.