Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagkuha sa mga public utility vehicles bilang service ng mga health workers at iba pang frontliners.
Ito’y sa gitna ng pinag-uusapang pagpapalawig sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Tim Orbos, dating head ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), tiyak kasing mas kinakailangan na ng pwersa ng mga frontliners kapag nagsagawa na ng mass testing para sa COVID-19.
Kapag dumami umano ang bilang ng mga apektado ng sakit ay mas marami ang kinakailangang health workers para mamonitor ang kondsiyon ng mga ito at matugunan ang pangangailan ng mga pasyente para sa kanilang gamutan.
Dahil ditto, tiyak umanong magiging problema para sa mga frontliner ang transportasyon sa kanilang pagpasok kapag napalawig ang ECQ.