Mas pinabilis na ang pagkuha ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ng kanilang quarantine certificates.
Ito ayon sa Department of Transportation (DOTr) ay kasunod nang paglulunsad ng online processing ng quarantine certificates ng Philippine Coastguard katuwang ang Bureau of Quarantine.
Ang quarantine certificates ng OFW ay maaaring ma proseso sa quarantinecertificates.com at kailangan lamang mag fill-up ng form at mag upload ng required attachments.
Pagkatapos nito ay ipapadala ang digital copy ng BOQ quarantine certificate sa email address ng ofw at kapag natanggap na ay kailangang i-verify ito sa kaparehong website.
Kapag na-verify na dapat makipag-ugnayan ang OFW sa PCG, BOQ o sinumang tauhan sa OWWA sa quarantine facility o hotel kung saan nananatili para maayos ang biyahe patungong probinsya.