Nakahanda ang Maynilad at Manila Water na kumuha ng tubig mula sa mga water district sa mga kalapit na lalawigan para makatulong sa patuloy na kakapusan ng suplay sa Metro Manila.
Ito ang inihayag nina Manila Water President Ferdinand Dela Cruz at Maynilad President Ramoncito Fernandez sa kanilang pagharap sa joint committee hearing ng Public Works and Highways at Natural Resources sa Kamara.
Ayon kina Dela Cruz at Fernandez, kasalikuyan na nilang pinag-aaralan ang mga posibleng alternatibong paraan at mapagkukunan ng suplay ng tubig.
Samantala, sinabi naman ni Local Water Utilities Administration (LWUA) chief Jeci Lapus, nakikipag-ugnayan na sila sa mga local water district mula Cavite, Laguna at Bulacan hinggil sa nasabing plano.