Dapat umanong ipaliwanag ni Senator Grace Poe kung bakit siya nagdesisyong kumuha ng US Citizenship noon.
Ayon kay House Deputy Minority Leader, Liquified Petroleum Gas Marketers’ Association (LPGMA) Representative Arnel Ty, maaari namang manirahan at magtrabaho si Poe sa Amerika nang hindi nito bibitawan ang kanyang Filipino citizenship.
Anya, marapat lamang na makakuha ng sagot ang mga botante sa kung bakit tinalikuran ni Poe ang kanyang pagka-Filipino noon.
Ang pahayag nito ni Ty, ay sa harap na rin ng ilang mga ulat na ginagamit pa rin umano ni Senator Poe ang kanyang US passport sa kanyang mga biyahe abroad kahit pa tinalikuran na nito ang kanyang US citizenship.
By: Jonathan Andal