Maaari nang makuha ang French visa sa loob lamang ng 48 oras o dalawang (2) araw mula sa dating sampung (10) araw.
Ang prebilehiyong ito ay ibibigay ng gobyerno ng France para sa lahat ng mga mamamayan ng Russia, India, Thailand, Cambodia, Laos, Myanmar, Indonesia at Pilipinas , epektibo sa Nobyembre 1.
Layon ng naturang hakbang na mapalakas muli ang turismo ng France na naapektuhan ng mga pag-atakeng nangyari sa Paris at Nice.
Target ng France na mapataas ang kanilang tourist arrivals ng 100 milyon pagsapit ng 2020.
By Ralph Obina
Pagkuha ng visa mas pabibilisin ng France was last modified: July 27th, 2017 by DWIZ 882