Hindi na obligado ang mga vaccination sites na kunan ng vital signs ang mga indibidwal bago bakunahan ang mga ito.
Ito ang inanunsiyo ni Department of Health o DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod ng rekomendasyon ng Philippine Society of Hypertension at the Philippine Heart Association.
Aniya, ang tanging gagawin na lamang ng mga health workers na magbibigay ng bakuna ay alamin kung dati nang nagkaroon ng hypertension o organ damage ang isang indibidwal bago turukan ng bakuna.
Magugunitang nagreklamo ang maraming vaccine beneficiaries dahil sa sobrang haba ng pila ng mga nagpapabakuna dulot ng vital signs screening.