Iginiit ni Atty. Trixie Angeles, Legal Counsel ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na mayroong pagkukulang ang DMCI sa pagtatayo ng Torre de Manila.
Sinabi ni Angeles na kung tunay na humingi ito ng permiso mula sa lokal na pamahalaan, tiyak na papakunin din sila ng permit mula sa NCCA.
Binigyang diin din ni Angeles na bagamat mayroong pagkukulang ang batas hinggil sa pagkuha ng mga permit, kailangan pa rin isipin ang pagbibigay ng proteksyon sa mga historical landmark ng bansa.
“Maliwanag naman po sa batas na may criminal penalty po ‘pag hindi kumuha ng permit from the Commission which is the NCCA, actually ‘pag sinasabi ng DMCI na kumpleto sila sa permit, hindi po totoo ‘yun, hindi sila kumpleto, hindi sila kumuha sa amin eh, ayon po doon sa Section 3 ng Repulic Act 10066,includes landscape and setting po.” Pahayag ni Angeles.
By Katrina Valle | Karambola