Walang saysay para kay Health Secretary Francisco Duque III ang ginagawang pagkukumpara sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) response ng Pilipinas sa ibang bansa.
Ayon kay Duque, ang pagkukumparang ito ay magdudulot lamang ng “frustrations” dahil talaga naman aniyang may mga bansang nagiging maayos na o hindi naman kaya ay mas malala pa ang kalagayan sa Pilipinas.
Giit ni Duque, iba-iba ang pagtugon ng bawat bansa sa sitwasyon ngayon at dapat na ikinukunsidera rito ang istraktura ng health system ng bansa.
Mayroon kasi aniya tayong “fragmented healthcare system” sa halip na “unified” kung saan isinasaalang-alang pa ang mga sitwasyon sa lokal na pamahalaan.