Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagkukumpuni ng mga nasirang water system sa mga lugar na tinamaan ng magnitude 7 na lindol.
Sa ginanap na situational briefing sa Camp Juan Villamor, Bangued, Abra inatasan na ni Pangulong Marcos ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na iprayoridad ang mga lugar na naapektuhan ng lindol at tulungan ang mga lgus sa pagbabalik ng suplay ng tubig.
Samantala, sang-ayon din si PBBM sa naging mungkahi ng kaniyang kapatid ma si Senator Imee Marcos hinggil sa paggamit ng mga solar water purifiers para agad na matugunan ang problema at pangangailangan ng mga apektadong residente sa malinis na suplay ng tubig.
Ayon sa punong ehekutibo, napapanahon ang pagbili ng naturang mga water purifiers para magamit sa mga ganitong uri ng sakuna.
Sinabi ng pangulo na makakatulong ito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit katulad ng cholera, diphtheria at iba pa.