Naniniwala si dating Vice President Leni Robredo na malaki ang pagkakaiba ng pagkakakulong nina dating senador leila de lima at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinunto ng dating Bise Presidente ang pagkakakulong ni De Lima kung saan halos pitong taon itong napiit sa ilalim ng mahigpit na kondisyon dahil sa pekeng kasong may kinalaman sa droga, habang si Duterte ay nakakulong sa maayos na pasilidad sa The Hague.
Pagkukumpara pa ni Robredo, si Duterte ay may access sa kompyuter at maaaring tumanggap ng dalaw, habang pareho naman itong ipinagkait kay De Lima noong nakakulong pa ito.
Dagdag pa ng dating Bise Presidente na nalagay pa sa panganib ang buhay ng dating senador matapos itong i-hostage sa loob ng kulungan.
Samantala, sinabi ni Robredo na ang pagkakaaresto ni Duterte ay unang hakbang upang makamit ang accountability at hustisya.—sa panulat ni John Riz Calata