Walang paglabag sa batas ng Pilipinas o maging sa VFA o Visiting Forces Agreement ang pagkulong kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa isang pasilidad sa loob ng Camp Aguinaldo.
Binigyang diin ito ng Pangulong Noynoy Aquino, matapos ipag-utos ng Olongapo RTC na ikulong si Pemberton sa isang national prison habang inaaral ang probisyon ng VFA hinggil sa custody.
Ayon sa Pangulo, si Pemberton ay nasa loob ng pasilidad na kontrolado ng Pilipinas at binabantayan ito ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) kaya’t ang pasilidad ay maituturing na extension ng New Bilibid Prisons (NBP) kaya’t sang-ayon ito sa mga kasunduan sa ilalim ng VFA.
Kumbinsido rin ang Pangulo na nangibabaw ang rule of law sa kaso ni Pemberton at kinilala aniya ng Amerika ang proseso ng batas sa Pilipinas.
By Judith Larino