Labag sa Saligang Batas o unconstitutional ang nakasaad sa anti-terrorism bill na maaaring idetine ang isang pinaghihinalaang terorista sa loob ng dalawang linggo.
Ito ang binigyang diin ni Vice President Leni Robredo kasabay ng paglilinaw na dapat ay hanggang tatlong araw lamang puwedeng ikulong ang isang suspek.
Dahil dito, sinabi ni Robredo na mahalagang buksan ng mga mambabatas ang pagbabago sa nabanggit na probisyon.
Dapat din aniyang siguruhin na hindi ito maaabuso ng mga awtoridad.