Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga kaukulang ahensya ang pag-kumpleto sa mga proyekto sa lahat ng water projects sa bansa, sa harap ng tumitinding epekto ng El Niño.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Davao City bulk water supply project, binigyang-diin ni PBBM ang kahalagahan ng water security.
Iginiit pa ng pangulo na ang kakulangan ng tubig ay hindi na lamang isang seasonal challenge, kundi isang permanente nang problema, na kaakibat ng climate change.
Ang anumang balakid aniya sa supply ng tubig tulad ng tagtuyot, ay makasisira sa kalidad ng pamumuhay, maging sa ekonomiya. – sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13).