Target ng Maynilad na matapos mamayang gabi ang pagkumpini sa pumutok nilang tubo ng tubig sa bahagi ng Sta. Mesa sa Maynila.
Ayon kay Maynilad Corporate Communications head Jennifer Rufo, kung walang mararanasang problema ay inaasahan nilang matatapos ang pasasaayos sa water pipe mamayang 8 p.m.
Inaasahan din aniyang maibabalik na sa normal mamayang hating gabi, ang serbisyo ng suplay ng tubig sa mga lugar na naapektuhan ng pagkasira ng tubo.
Sinabi ni Rufo, naibaba na lamang nila sa 82,000 mula sa naunang 200,000 customers ang naapektuhan ng nasirang tubo matapos silang magsagawa ng network adjustment.
Kabilang aniya sa mga kasalukuyang nakararanas ng water service interruption ang ilang bahagi ng Sampaloc at Pandacan sa Manila at Malagsang sa Cavite.
Biyernes nang pumutok ang nabanggit na tubo ng Maynilad at nagdulot ng pagbaha sa bahagi ng Ramon Magsaysay Boulevard kung saan ilang mga klase ng sasakyan ang hindi nakaraan.