Pinamamadali ng National Telecommunications Commission (NTC) sa lahat ng public telecommunications entities ang pagkumpuni ng mga nasirang linya ng telekomunikasyon sa mga apektadong lugar ng Bagyong Rolly.
Kasunod na rin ito nang inisyung memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa mga telco para sa agarang pagbabalik ng serbisyo ng telekomunikasyon sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Rolly.
Binigyang diin ni Cordoba na mahalagang maibalik ang serbisyo ng mga telco lalo’t sa panahong ito, kung kailan kailangan ang mabilis na komunikasyon, panunumbalik ng komersyo at mga negosyo, distance learning at higit sa lahat para makatugon ang gobyerno sa rescue at recovery operations.
Nabatid na pahirapan ang pagpapadala at pagtanggap ng text messages, phone calls at mobile date sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa multiple fiber cuts dulot ng malalakas na hanging dala ng Bagyong Rolly.