Nanawagan si Pope Francis sa mga Katoliko na nasa Europa na kalingain at alagaan ang mga refugee.
Ito ang kauna-unahang reaksyon ng Santo Papa sa nangyayaring mass migration ng libu-libo mula sa Iraq, Syria at Afganistan.
Sinasabing nagsisi-alisan ang ilang mamamayan ng mga nasabing bansa dahil sa walang tigil na karahasan na nagdudulot ng matinding gutom at kamatayan sa kanila.
Binigyang diin ng Santo Papa sa kaniyang angelus speech sa St. Peter’s Square na tinatawagan ng mabuting balita ang lahat ng Kristiyano na maging malapit kahit sa pinakamaliliit gayundin sa mga inabandona.
Partikular na ginawa ng Santo Papa ang apela sa mga obispo sa Europa na makiisa at tumutok sa nasabing krisis.
By Jaymark Dagala