Tinawag ng Malacañang na “irrelevant” sa isyu ng pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos ang pagkuwestiyon ng National Historical Commission of the Philippines sa umano’y mga pekeng medalya ni Marcos sa pagiging sundalo nito.
Sinabi ni Chief presidential legal counsel Salvador Panelo, walang bigat sa palasyo ang kuwestiyon sa mga pekeng medalya para pigilan ang pagpapalibing sa dating Presidente sa libingan ng mga bayani.
Binigyang-diin ni Panelo na hindi na pinag-uusapan kung nakakuha ba ng medalya o hindi si Marcos noong sundalo pa ito.
Sinabi rin ni Panelo na hindi maitatangging naging sundalo si Marcos at hindi naman nakasaad sa saligang batas na hindi kuwalipikadong mailibing sa libingan ng mga bayani kapag walang nakuhang medalya ang isang sundalo.
Nauna rito, kinuwestiyon ni NHCP chairperson Maria Serena Diokno na hindi makatotohanan ang impormasyon na naging bayaning sundalo si Marcos noong Japanese Occupation at iginiit na peke ang mga medalyang nakuha umano nito sa pagiging sundalo nito.
By: Avee Devierte / ( Reporter 23 ) Aileen Taliping