Iginiit ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency, na lumabag ang Bureau of Customs (BOC) sa operational protocol ng CMTA o Customs Modernization and Tariff Act at sa Comprehensive Dangerous Drugs Law.
Ito ay matapos i- turn over ng naturang ahensya sa National Bureau of Investigation (NBI) ang P6.4-B halaga ng shabu na nasabat sa isang warehouse sa Valenzuela.
Ayon kay PDEA Director General Isidro Lapeña, dapat nasa kustodiya nila ang mga nasabat na shabu ng BOC alinsunod na rin sa batas.
Samantala sinabi rin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nakasaad sa Comprehensive And Dangerous Drugs Law na mananatili sa Pdea ang custodial authority sa nakukumpiskang droga kahit pa ito ay nakuha sa operasyon ng BOC.