Iminungkahi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na idulog na sa United Nations (UN) ang paulit-ulit na paglabag ng China sa 2016 permanent court of arbitration ruling sa South China Sea.
Ayon sa Senador dapat ipakita ng Pilipinas sa UN ang mga video at larawan ng panghihimasok ng China sa bansa at mga karatig bansa sa kanilang patuloy na pagbawi sa teritoryo sa loob exclusive economic zone ng Pilipinas at mga lugar na itinuturing na international waters.
Nabatid na una nang inirekomenda ni dating Solicitor General at Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza ang kahalintulad na ideya ngunit ipinag-aalala nito ang kapangyarihan ng China na mag-veto bilang isang permanenteng miyembro ng UN Security Council.