Idudulog ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Commission on Human Rights (CHR) ang mga ginawang paglabag ng New People’s Army (NPA) sa idineklarang tigil putukan ng pamahalaan.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero, kasalukuyang inaasikaso na nila ang pagsasampa ng reklamo sa CHR laban sa NPA.
Ipinaalam na din aniya nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte bagaman wala pang naging tugon dito ang Pangulo.
Apat (4) ang naging paglabag ng NPA sa naturang unilateral ceasefire kabilang ang ginawang pag – atake sa isang army detachment sa Compostela Valley, at tangkang pagdukot sa isang CAFGU sa Davao Oriental noong Pasko.
Magugunitang nagdeklara ng ceasefire ang NPA at pamahalaan noong Disyembre 23 hanggang Disyembre 26, 2017 at Disyembre 30 hanggang Enero 2, 2018.