Pinangangambahang lumala pa ang mga kaso ng human rights violation sa Pilipinas sa sandaling maisabatas na ang pagbabalik sa parusang bitay.
Ito ang reaksyon ng Human Rights Watch matapos makalusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang nasabing panukala.
Sakaling tuluyang makapasa sa Senado ang death penalty bill, sinabi ng grupo na magiging malaking sagabal ito para sa karapatang pantao sa Pilipinas gayundin sa pandaigdigang kampanya na buwagin ang capital punishment.
Ayon kay Human Rights Watch Researcher Carlos Conde, mabibigo ang administrasyong Duterte na supilin ang krimen kahit maipasa ang death penalty dahil walang patunay na mabisang solusyon ito sa problema.
By Jaymark Dagala