Nananatiling matindi ang problema ng Pilipinas sa usapin ng paglabag sa mga karapatang pantao at extrajudicial killings.
Ito ay ayon sa inilabas ng US State Department na, “Country Reports on Human Rights Practices 2015.”
Tinukoy din sa report ang murder sa Lianga, Surigao del Sur, kung saan kinailangan lumikas ang libu-libong Lumad.
Binanggit din sa naturang ulat ang 70 sibilyan na nasawi sa mga isinagawang operasyon ng pamahalaan noong Oktubre.
By Katrina Valle