Ikinatuwa ni Russian President Vladimir Putin ang pagiging decisive ni Pangulong Duterte sa paglaban sa terorismo sa Marawi City.
Sa meeting nina Duterte at Putin sa Da Nang Vietnam, sinabi ng Russian President na mahalaga ang naging postura ni Pangulong Digong para mawasak na ang paghahari harian ng Islamic State in Iraq and Syria o ISIS.
Ginawa ni Putin ang pahayag matapos ikuwento ng Phil President na kaya siya biglaang bumalik sa bansa noong Mayo buhat sa Moscow ay dahil sa pagdedeklara niya ng martial law sa Mindanao laban sa mga terroristang ISIS.
Kasabay naman ng pasasalamat ni Duterte sa mga armas na ipinadala ng Russia sa Pilipinas, sinabi nito na sa ngayon ay plano na ng Phil Government na bumili ng armas sa Russia para sa pangarap niya ng maitatag ang mas malakas na Armed Forces of the Philippines o AFP at ang Philippine National Police o PNP.
Una rito, nagdonate ng 5 libong AK 74, 5000 helmet, 20 Mil truck at 1 milyong bala ang Russia sa Pilipinas noong Oktubre.
—-