Ikinatuwa nina Senate committee on labor and employment Chairman Joel Villanueva at Akbayan partylist Senator Riza Hontiveros ang determinasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan at wakasan ang Contractualization.
Ito’y makaraang magbanta ang Pangulo na ipasasara ang mga kumpanyang sangkot sa Contractualization.
Pero, ayon sa dalawang mambabatas, kailangang masundan ang ganitong executive action ng pagsusulong ng batas.
Ayon kay Villanueva, isusulong niya ang institutional at legal reforms na magpapalakas sa regulatory capacity at titiyak na mababawasan na ang “endo” o end of contract.
Tiniyak naman ni Hontiveros na isusulong niya ang security of tenure bill.
By: Meann Tanbio / (Reporter 19) Cely Bueno