Sabayang pumadyak ngayong linggo sa Metro Manila ang isang libong siklista bilang panawagan upang umaksyon laban sa epekto ng climate change.
Kaisa nang walong probinsya sa bansa 11 pang bansa sa Asya, na nagdaos ng kaparehong event na “pedal for people and planet kabilang ang japan, south korea, malaysia at vietnam.
Nagsimula ang pag-arangkada ng mga siklista mula university of the Philippines Campus sa Quezon City papuntang Marikina.
Bukod sa advocacy talks, nagkaroon din sa naturang event ng libreng-bike lessons, kaya dinala ng ilang mga magulang ang kanilang mga anak para matuto.
Ang pedal for people and planet, at safe street event ay kaugnay ng world bike day na ipinadiriwang tuwing ikatlo ng Hunyo.
Matatandaang batay sa pinakabagong tala ng intergovernmental panel on Climate Change (IPCC), ang average annual global greenhouse gas emission o mga usok na galing sa mga sasakyan at pabrika ay nasa pinkamataas nang lebel sa nakalipas na dekada.