Nagkaisa ang ilan sa mga vaccine experts at medical groups na bumuo ng Vaccine Solidarity Movement para labanan ang misinformation sa mga bakuna kontra COVID-19.
Iyan ay matapos na makatanggap sila ng ulat na may ilang medical professional na magsasabi na hindi ligtas ang bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Doctor Lulu Bravo, epektibo ang bakuna at ligtas ito.
Nanawagan naman ang Up College of Public Health sa media na maging mas responsable sa paggammit ng impormasyon na maaring makita sa social media at pumili ng ekperto na kakapanayamin.
Samantala, nagbabala naman philippine medical association sa mga medical practitioners na magsasalita laban sa COVID-19 vaccines at nagpaalala na alalahanin ang kanilang Code of Ethics. —sa panulat ni Rex Espiritu