Tiniyak ng pamunuan ng Pambansang Pulisya na may kakayahan silang i-track down at papanagutin ang lahat ng mga nagpapakalat ng maling balita laban sa Philippine National Police (PNP).
Ito’y kaugnay sa di umano’y pagtaas ng insidente ng krimen sa bansa sa kabila ng pinakahuling ulat mula sa PNP na pagbaba nito sa 45 porsyento sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Benigno Durana, na-verify na nila ang mga kumakalat na mensahe sa text at social media hinggil sa mga di umano’y kaso ng pangho-holdup sa mga restaurant at ang tatlong binabanggit na insidente.
Kasabay aniya ng paglaban ng PNP sa krimen ang pagsugpo rin nila sa pagkalat ng fake news sa pamamagitan ng pagiging transparent sa paglalabas ng mga makatotohanang datos at mga impormasyon.
—-