Ise-sentro ng piLipinas ang pagiging aktibo ng bansa sa paglaban sa terorismo sa magiging talakayan sa ASEAN – Australia Special Summit na magaganap sa Sydney, Australia ngayong linggo.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, kanilang ibibida ang seryoso at maigiting na paglaban ng bansa laban sa mga grupo ng terorista.
Nakatakdang lagdaan sa nasabing summit ang kasunduan kung saan layuning palakasin ang kooperasyon at kolaborasyon ng bawat bansa para labanan ang terorismo.
Si Cayetano ang magiging kinatawan ni Pangulong Rodrigo duterte Sa nasabing pulong ng mga lider.
—-