Pinayagan ng IATF ang mga may edad 65 pataas para lumabas at personal na maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa 2022 elections.
Ang nasabing age group, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay ituturing na Authorized Persons Outside Residence (APOR) sa panahon ng paghahain ng COC o mula Oktubre 1 hanggang 8, anuman ang maging community quarantine classification at vaccination status.
Ang COC ay uubrang ihain sa national office at mga itinalagang field offices ng Comelec.